Isang pamaskong handog ni Gov. Aurelio M. Umali ang ipinamahaging bigas sa lahat ng kapitan ng tatlumpu’t pito (37) na barangay ng Lungsod Agham ng Muñoz nitong Disyembre 22, 2020.

Tinanggap ang naturang regalo ng mga punong barangay sa pangunguna ni ABC President Alexander A. Natividad. Ang kaloob na bigas ay bilang isang pasasalamat sa paglilingkod ng mga kapitan sa kanilang bayan at mamamayan nito.