Mga kababayan, nagsimula na ang ating pinaka aabangan, ang pamamahagi ng bigas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa mga mamayan ng ating mahal na Lungsod Agham ng Muñoz.  Sa pamumuno ni Gov. Aurelio “Oyie” M. Umali, kasama sina Vice Gov. Doc Anthony Umali, Former Vice Gov. Jose Padiernos, Board Member Ferdinand Dysico, Board Member Joseph Ortiz, Sk Federation President-Nueva Ecija Mary Sweet Liberty N. Cruz , at mga iba pa, at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinangungunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., kasama sina Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Rodney S. Cabrera, Ms. Armi L. Alvarez, Former Coun. Vincent Alvarez, Former Coun. Edmond Balmeo, Former Coun. Vivencio Cajucom at mga Punong Barangay.

Ang tulong mula sa Nueva Ecija Rice Distribution Program ay unang ibinigay sa bawat sambahayan ngayong araw sa mga barangay ng Maligaya, Curva, Labney, Palusapis, Naglabrahan, Pandalla, Matingkis, Calabalabaan, Calisitan, Catalanacan, San Antonio at Gabaldon. Ito ay magpapatuloy sa mga susunod pang mga araw.

 Taos puso pong ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ang pasasalamat sa Priority Program nina Gov. Aurelio “Oyie” Umali at ni Vice Gov. Doc Anthony Umali ng Provincial Government of Nueva Ecija. Ito po ay malaking tulong sa ating mga kababayan. Mabuhay po tayong lahat!