Pamimigay ng mga binhing gulay sa bawat barangay ang isa sa naging proyekto ng Gov. Eduardo L. Joson Memorial Lodge 326 sa pangunguna ni WM Jonathan Garcia kasama si SW Sherwin Ramos, lahat ng bretheren at ng Muñoz Traveller’s Multi-Purpose Cooperative sa pangunguna ng kanilang chairman na si Mr. Jose Torres at ng kanilang Gen. Manager na si Mr. Nelson Manuel. Ang nasabing pamimigay ay sa pamamagitan ng mga Barangay Captains na kinoordina ng ating ABC president na si Mr. Alexander Natividad ngayong araw, Agosto 19,2020 sa harap ng City Hall. Ang naunang pamimigay ng binhing gulay ay naganap naman noong July bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika 21st Anniversary.

Talong, Sili at Kamatis ang mga binhing ipinamigay sa 30 na barangay kung saan ang mga binhi ay mula sa Cenor Luz Agri Tradings.