Tunay na nakakabighani ang kagandahan, talento at husay ng mga kaprobinsiyano nating Novo Ecijano sa naganap na Binibining Nueva Ecija 2022-Provincial Costume sa ating Pag-Asa Gymnasium nitong Agosto 23, 2022. Labis na naaliw at nagalak ang ating butihing MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ habang pinagmamasdan ang mga naggagandahang dilag sa entablado.
Ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang suporta at pagmamahal sa ating kababayan na si Bb. Michaela Nicole Rivera ng Brgy. Calabalabaan na isa sa mga kandidata ng Binibining Nueva Ecija 2022.
Isang napakagandang Panimulang Pananalita ang inihandog ni Atty. Jose Maria Ceasar C. San Pedro, Provincial Tourism Officer at Chairman ng Binibining Nueva Ecija 2022 para sa dalawampu’t tatlo na kandidata at sa lahat ng dumalo sa nasabing programa.
#NeverEndingBeauty