Dumalo ang ating minamahal na MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa naganap na Seminar patungkol sa “Biotechnology Policies for Climate Change Mitigation and Adaption” nitong Oktubre 18, 2022sa Philippine Rice Research Institute Muñoz bilang parte ng padiriwang ng 2022 National Biotechnology Week.

 Ang nasabing seminar ay inorganisa ng DA Biotech Program Office, DA Climate Resilient Agriculture Office, DA Crop Biotechnology Center, USDA-FAS (Manila), at Biotechnology Coalition of the Philippines (in hybrid set-up) na siyang ginanap upang talakayin ang kahalagahan at epekto ng BIOTECHNOLOGY sa pagpapagaan ng ating climate change o ‘climate change mitigation’ at kung paano maisusulong ng mga patakaran ang agricultural modernization sa ating bansa.

 Nagkaroon ng isang OPEN FORUM sa naganap na seminar kung saan ang bawat isa ay nagtalakay at nagbahagi ng kanilang mga ideya at opinsyon at upang mabigyang linaw ang kanilang mga katanungan.