Tinalakay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga kapitan ng barangay na hikayatin ang kanilang mga kababayan na huwag tangkilikin ang anumang hindi awtorisadong pagbibigay ng Tax Identification Number (TIN) at TIN Identification Card sa pamamagitan ng facebook at iba pang mga platform, sapagkat ang BIR lamang ang awtorisadong ahensyang nag bibigay ng mga ito. Ito ay isang paalala mula sa BIR.

Tinalakay din nila ang listahan ng mga barangay na nag avail ng tax amnesty ng taong 2017 at ng mga naunang taon kung saan ito ay na-aprubahan. Ang talakayan ay pinangunahan ni Atty. Mercedes R. Estralilla, Revenue District Officer kasama ang kanyang mga Revenue Officers nitong Setyembre 9,2020 sa Mayor’s Conference Hall.