Nagpasalamat kay Kuya Alan Peter S. Cayetano at Ate Lani L. Cayetano sina Cong. Mikki S. Violago at ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna nina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ng pangulo ng Barangay Association na si Kgg. Alexander L. Natividad kasama ang mga punong barangay at mga Barangay Health Workers sa mga bisekleta at food packs na kanilang ibinigay. Ang nasabing mga bisekleta ay gagamitin ng mga BHWs sa kanilang gawain sa barangay.

Dumalo sa pagtitipon sina Konsehal Rodney S. Cabrera, Konsehal Jerry S. Fulgencio at mga opisyal ng Chosen Leaders Association in Muñoz (CLAIM).

Ayon kay Kuya Alan, ang pamimigay ay bahagi ng Bayanihan Caravan para sa mga health frontliners para sa kanilang walang sawang pagtulong sa kapwa sa panahon ng pandemya. Ang kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19 ay kaniya ring nabanggit upang makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Si Kuya Alan ay kasalukuyang Congressman ng 1st Distict Taguig-Pateros at dating House Speaker at Senador. Si Ate Lani ay kasalukuyan ding Congresswoman ng Taguig 2nd District.