Halos araw-araw po tayong umiikot sa mga barangay sa SCM upang bisitahin ang mga daan na ngayon ay sementado na at magsagawa ng mga serbisyong medikal para sa ating mga kabarangay!

Para sa araw na Abril 20, 2021, 1.5 kilometrong kalsada ng Purok Acacia at 0.5 kilometrong kalsada ng Purok Camatchili ang inanunsyong sementado na! Ito ay binasbasan ni Rev. Fr. Menardo Natividad, kasabay ang isang tulay sa Purok Malawin.

Ang dating kalsadang baku-bako, puro bato, at alikabok ay patuloy na isinasaayos ng ating Pamahalaang Lokal. Nais ng ating MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D., na isa-isahin ang lahat ng ganitong uri ng problema sa ating lungsod. Ito ay kanyang binibigyang patotoo sa pagbibigay nang maluwag, maayos, at ligtas na byahe para sa ating mga kababayan.

Isinagawa rin ang MEDICAL MISSION sa Brgy. Gabaldon kasama ang ating mga volunteer na sina MS. ARMI L. ALVAREZ, COUN. JERRY S. FULGENCIO, COUN. RODNEY S. CABRERA, FORMER COUN. MEK FERNANDEZ, FORMER COUN. EDMOND BALMEO, at mga opisyal ng Brgy. Gabaldon sa pangunguna ni Brgy. Capt. Bernardino Bautista.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan