“Kalsadang may kaginhawaan ang hatid sa ating bayan! Kalsadang patungo sa isang maunlad na Lungsod Agham!”

Magandang gabi, mga Muñozonian! 0.5 kilometrong kalsada sa Purok 3, Brgy. Labney ang sementado na! Lubos na ikinatutuwa ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D., na ang ganitong gawain ay nakakapagbigay tulong sa ating mga kabarangay, lalo na sa kanilang mga pangkabuhayan. 

Ang sabi po ng ating mga kabarangay, ang kalsada raw po na ito dati ay talagang bugbog tuwing anihan. Nahihirapan ang mga mamamayan para sa mabilis na transportasyon ng pagkuha ng mga palay. Ngunit ngayon na ito ay semantado na, #ALIKABOKNOMORE at #TAGTAGNOMORE na para sa ating mga kabarangay sa Brgy. Labney. Isinagawa rin po rito ang MEDICAL MISSION kung saan nagpamahagi ng mga libreng gamot at mga tungkod kasama ang ating mga volunteer.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan