Malugod po naming ibinabalita mga kababayan na ang kalsada na may haba na 1.2 kilometro sa Purok Diaz ng Brgy. Magtanggol ay patag na! Kasama ang ating MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D. at mga volunteer, nabasbasan ang naturang mga imprastraktura ni Fr. Cesar Vergara.

Dahil batid din po ng ating Mayor ang lubos na pangangailangan ng serbisyong medikal ng ating mga kababayan, minabuti niyang ang mga kawani na ng LGU at mga volunteer ang mismong pumunta sa iba’t ibang barangay upang hindi na mahirapan ang ating mga kababayan sa pagtanggap ng ating mga programang #SerbisyongHandog.

Sa ating medical mission, hindi po mawawala rito ang libreng medical check-up at pamamahagi ng mga gamot at medical equipment. Sa aming mga lolo’t lola na nagpunta, gayundin sa mga magulang na labis ang pagmamahal sa kanilang mga anak, salamat po sa inyong pagtitiwala.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan