Naggagandahang mga RICE ART ang ating napagmasdan sa ating Rice Art Museum ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute, Muñoz Branch na siyang binuksan nitong Oktubre 27, 2022. Tunay nga na kakaiba ang talento ni Mr. Hermisanto, isang rice artist mula Isabela sa ganda ng kaniyang mga gawa. Ang MUSEO ay magbubukas ng isang buwan para sa mga nais magpunta at makita ang mga naggagandahan mga gawa ni Mr. HERMOSANTO.

 Sa pagdiriwang ng DA-PhilRice’s 7th Aniversary, the Museum and Galleries Month at the National Rice Awareness Month ay isinagawa ang ‘BUTIL, BUHAY, SINING, at KULAY, A RICE ART EXHIBIT’.

 Kabilang sa panauhing pandangal ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang kanyang kapatid, ang ating VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. at sina, Governor Aurelio M. Umali at Dr. Melicent Santos-Recto.

 Bilang isang Lungsod ng SINING at Agham ay todo suporta po ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa mga ganitong programa.

 Mga kababayan naming may talento, huwag po tayong mahihiyang ilabas at linangin ito sapagkat ito ay isang biyaya sa atin.