Isang mushroom center ang nakatayo sa Barangay Cabisuculan. Ito ay pinangalanang Cabisuculan Mushroom Center na pinapatakbo ng Cabisuculan Mushroom Growers Association sa pakikipagtulungan ng CLSU Tropical Mushroom Research Center at CLSU Research Extension and Training Vice President Dr. Fe L. Porciuncula at Director ng CLSU Extension Office Dr. Eugenia G. Baltazar. Ang Cabisuculan Mushroom Growers Association ay may 62 na miyembro kung saan ang kanilang presidente ay si Pastor Saldy Agustin.

Ang Pasturizing Chamber ng Center ay nakakapaglikha ng dalawang libong (2,000) fruiting bag na may timbang na 900 grams bawat isa. Mga mamamayan ng probinsiya ng Bataan, Isabela, at Nueva Ecija tulad ng Carranglan, Cabanatuan at iba pa ang kanilang mga mamimili. Ipinamamahagi ang mga natitira sa mga miyembro ng association na pinapangasiwaan ni Mr. Arturo Manipon. Ang Cabisuculan Mushroom Center ay proyekto ng lokal na gobyerno ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ng City Agriculture Office sa ilalim ni Dr. Jerry A. Rigos.