Katuwang ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating aktibong MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Regional Office 3 sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng ating lungsod ay isinagawa ang Cash for Work payout para sa 248 na benepisyaryo mula sa mga kababayan nating Kababaihan at mga Person with Disability (PWD) sa ating 32 na Barangay.
Apat na libo dalawang daang piso (Php 4,200.00) ang natanggap ng ating mga benepisyaryo kung saan sila ay nagtanim ng halaman (gardening) at nagtanim ng mga puno sa loob ng sampung araw (10) sa kanilang mga barangay.
Sama-sama at tulong tulong para sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod!