Katuwang ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office 3 sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng ating lungsod ay isinagawa ang Cash for Work payout para sa 350 na benepisyaryo mula sa mga Kababaihang Kinikilala sa Lungsod Agham (KAKILALA) ng 37 barangays.

 Nakatanggap ng Php 3,150.00 sa loob ng sampung (10) araw na paggawa o pagtatrabaho bawat isa ang mga benepisyaryo nitong Disyembre 13, 2021 sa ating PNP Gymnasium. Nakapagbibigay pag-asa at ngiti ang mga ganitong programa sa ating mga mamamayan sa kabila ng pandemya. Isang programa ang naganap kung saan nag alay ng mga kanta Kaaliw aliw ang mga kababayan nating nag alay ng mga kanta para sa lahat ng dumalo sa programa.