Apat na raan (400) na benepisyaryo ng Cash for Work para sa mga nangangailangang mamamayan ng Lungsod Agham ng Muñoz ang nakatanggap ng kanilang cash allowance na nagkakahalagang tatlong libo (Php 3,000) at relief goods nitong Disyembre 18, 2020 sa Science City of Muñoz Pag-Asa Gymnasium. Sa ilalim ng programang Cash for Work (CFW) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga benepisyaryo ay maglalaan ng 10 araw sa paglilinis ng ating lungsod.
Ang mga interbensyon ng Cash for Work ay nagbibigay ng trabaho sa mga hindi bihasa at medyo bihasang manggagawa sa mga proyektong masinsinan sa paggawa tulad ng rehabilitasyon ng mga sistema ng irigasyon, pangangalaga ng lupa, at konstruksyon at pagpapanatili ng kalsada. Malaki rin ang maitutulong nito sa mga mamamayan na nawalan ng trabaho o walang trabaho dahil sa pandemyang dala ng COVID-19.
Pinangunahan ng DSWD Region III kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pamamahagi kung saan dumalo ang ating aktibo at butihing Kgg. Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Kgg. Rodney S. Cabrera, Kgg. Jerry S. Fulgencio at iba pa.