Isang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA Signing) ang naganap nitong Nobyembre 16, 2022 sa pagitan ng CATALANACAN MULTI-PURPOSE COOPERATIVE na pinangunahan ni Ms. Paula Joyce S. Balite, Catalanacan MPC Secretary at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating napakasipag at aktibong TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama si Mr. Arnel Ruz.
Patungkol sa Supply and Delivery ng MILKYBUN at CARABAO’S MILK para sa mga paaralan ng Science City of Muñoz ang nasabing MOA Signing.
Ikinalulugod po ng pamahalaan lalo na ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ang matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Multi-Purpose Cooperative ng ating lungsod at ng Lokal na Pamahalaan. Mabuhay po ang lahat!
