Ang City Development Council Meeting ng Science City of Muñoz ay ginanap nitong Oktubre 13, 2020 sa Science City Pag-asa Gymnasium. Matapos na magbigay ng mensahe, pormal na binuksan ni Mayor Nestor Alvarez, Ph.D. ang naturang pagpupulong upang talakayin ang ibat-ibang proyekto at programa ng lungsod para sa taong 2021. Ang mga programa pati na ang kanyakanyang badyet ayon sa Annual Investment Program (AIP) ay tinalakay ni Mr. Jefferson G. Ongoco, pinuno ng CPDO. Dumalo ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng BFP, PNP, PhilSCAT, PCC, DOST PSTC-NE, PhilRice, DAR, DepEd, DILG, ICCEM, BFAR, DENR, PhilMech, CLSU, mga kinatawan ng Civil Society Organization, mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod at mga pinuno ng departamento ng LGU. Ang meeting ay nagtapos sa pag-apruba ng nasabing lupon.