Sa Science City of Muñoz bawal ang DROGA!

 Ayaw na ayaw ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa droga kaya nitong Nobyembre 11, 2022 ay naganap ang pagpupulong patungkol sa pagpapatupad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program sa ating Conference Room sa Office of the City Mayor.

 Ano nga ba ang magandang naidudulot ng droga sa atin? Hindi po ba ay wala? Kaya wag ng mag-atubili, droga ay iwasan sapagkat wala itong magandang maidudulot sa kalusugan natin at sa kapwa natin. Lahat tayo, kasama ang ating TITA MAYORA BABY ARMI ay gusto ang isang lungsod na tahimik at sagana kaya mga kababayan, BAWAL ANG DROGA SA SCIENCE CITY OF MUÑOZ!

 Sama-sama po nating isulong at suportahan ang programang BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Iwasan)!