“Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”

 Kasama po ninyo ang ating mapagmahal at mapagkalinga na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa pagsulong, pagprotekta, paggalang at pangangalaga ng karapatan ng bawat bata sa buong mundo, lalo na sa ating lungsod, sa lahat ng panahon, anuman ang kaniyang kulay, kasarian, lahi, relihiyon, kultura, estado sa buhay, may kapansanan man o wala.

 Muli pong ginanap ang City Children’s Congress bilang parte ng pagdiriwang ng 30th National Children’s Month nitong Nobyembre 21, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium sa pangunguna ng walang iba kundi ang ating “Young at Heart” na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng City Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Gabriela B. Fernandez.

 Sinimulan ng isang mapagpalang panalangin ang masayang programa na siyang sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas. Samantala pinangunahan ni Ms. Gabriela B. Fernandez ang pagkilala at pagtalakay sa tema. Kasunod nito ay nagbahagi ng isang nakakagalak na panimulang mensahe ang ating TITA MAYORA BABY ARMI. Isang pahayag naman ang ibinahagi ng kinatawan ng ating mga kabataan na si Ms. Kristine Joy M. Diga at pinangunahan naman ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ang State of the Children Address kung saan ay kanyang tinalakay ang zero tolerance on child abuse lalo na sa ating mahal na Science City of Muñoz at marami pang iba. Pagkatapos nito ay naganap ang Awarding of Certificate sa mga dumalo at nakiisa sa ating FOCUS GROUP DISCUSSION on Emerging Issues and Concerns of Children at ang Talakayan sa mga umuusbong na isyu sa mga kabataan, kabilang dito ang Teen Mental Health, Teenage Pregnancy at RA 11684: Increasing of Age for Sexual Consent. Ang pagtatapos na pananalita naman ay ibinahagi ni ABC Alexander L. Natividad.

 Lagi po nating tatandaan na ang mga kabataan ay nararapat nating gabayan at mahalin sapagkat sila ang pag-asa ng bayan!