Bida ang kabataang Muñozonian!

 Bilang parte ng pagdiriwang ng 30th National Children’s Month ay ginanap ang City Children’s Congress nitong Nobyembre 16, 2022 sa pangunguna ng ating mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng City Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Gabriela B. Fernandez.

 Kasama ng ating butihing TITA MAYORA ay sama-sama nating isulong at ipaglaban ang karapatan ng bawat kabataan! Pantay na karapatan para sa malusog na kabataan!

 Isang panimulang mensahe ang siyang binahagi ng ating TITA MAYORA BABY ARMI sa nasabing programa. Samantala pinangunahan ni Ms. Arlene Vargas ang pagbati at pagpapakilala sa mga dumalo at isang mensaheng punong puno ng inspirasyon naman ang nagmula kay Ms. Gabriela B. Fernandez.

 Binabati po naming muli ang lahat ng ating Day Care Workers na nakapasa sa Accreditation na siyang pinangunahan ni Ms. Zenaida Sampan. Mabuhay po kayo! Nawa ay lalo pa ninyong pagbutihin ang pabibigay serbisyo sa ating mga kabataan.

 Isang nakakaaliw na paligsahan naman ang ginanap sa program na may dalawang kategorya, ang POEM RECITING CATEGORY kung saan nagwagi sina John Ericson Bata ng Brgy Franza-No. 7 (CHAMPION), Aaliyah Pearl E. Sarmiento-No. 3 (2nd Place) at Janus Quiel B. Bautista ng Brgy Palusapis-No. 8 (3rd Place); at COPY AND COLOR CATEGORY ku ng saan nagwagi sina Safiya Mae L. Laluces ng Brgy. Pob. West-No. 6 (CHAMPION), Annica Wyn Lorenzana ng Brgy Catalanacan-No. 5 (2nd Place) at Jandy P. Torno ng Brgy Bantug-No.4 (3rd Place). Isang mapagpalang bati po ang hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa mga magagaling na kabataan na nagwagi sa nasabing paligsahan.

 Muli po ay binabati po namin ang mga kabataan ng HAPPY 30th NATIONAL CHILDREN’S MONTH. Mabuhay po kayo ng matiwasay, may malusog na pangangatawan at pag-iisip at may access sa pantay na karapatan!