Naganap ang pagpupulong ng City Development Council (CDC) sa pangunguna ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, ng ating VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. at ni Mr. Jefferson G. Ongoco nitong Oktubre 11, 2022. Nagpulong ang mga miyembro ng City Development Council upang aprubahan ang mga mahahalagang plano sa pagpapaunlad ng lungsod tulad ng Annual Investment Program, ang 20% development fund para sa mga priority programs at ang disaster risk reduction program para sa 2023. Kasama sa pulong ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga Punong Barangay at kanilang kinatawan, mga kinatawan ng Civil Society Organization at mga Institusyon, mga tagapangulo ng mga departamento ng lokal na pamahalaan at iba pa.

 Pinangunahan ng isang mapagpalang mensahe ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang nasabing pagpupulong, at sinundan ito ng 100 Days Accomplishments on Executive Agenda, Presentation of Annual Investment Program for 2023. Matapos ang presentasyon ay ginanap naman ang isang open forum para sa pagbabahagi ng kani-kanilang opinion, ideya at panukala na mahalaga. Ito ay kasama sa proseso ng pagpaplano sa pagpapaunlad ng ating lungsod. Nagtapos ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagapruba ng mga ibat-ibang proyekto na isasakatuparan para sa susunod na taon.

 Sama-sama para sa patuloy na pagunlad ng ating mahal na lungsod.