Isang pagpupulong ng City Human Resource Merit Promotion and Selection Board (City HRMPSB) ang naganap nitong Setyembre 15, 2022 sa ating City Mayor’s Office Conference Room na pinangunahan ni Mr. Romeo F. Padolina Jr., HRMO. Pagkatapos nito ay inumpisahan ang unang panayam sa mga aplikante para sa mga bakanteng posisyon sa ating Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz.

 Nagpapasalamat po ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa mga dumalo sa naganap na meeting at panayam. Mabuhay po ang lahat!