Para sa patuloy na kalinisan ng ating kapaligiran ay patuloy na ‘in action’ po ang ating CITY SOLID WASTE MANAGEMENT BOARD (CSWMB) kasama ang Manila Bay Task Force sapagkat nagsagawa sila ng isang pagpupulong nitong Disyembre 16, 2022 para sa last quarter ng taon sa City ENRO Pag-Asa Gym Compound kung saan tinalakay ang mga sumusunod na paksa:

• Approved Amended Septage Ordinance
• Resolution to Amend Solid Waste Management Code
• IIMT Inspection Schedule
• Executive Order on Livestock and Poultry Raising
• Manila Bay Quarterly Report
• Other Matters

Hinihikayat po namin kayo sa pangunguna ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na sama-sama nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran, itapon sa tamang lugar ang ating mga basura, tumulong sa paglilinis sa ating kapaligiran, gawin ang tamang paghihiwalay sa mga basura at iba pa para sa tuloy-tuloy na kalinisan at kaayusan ng ating pinakamamahal na lungsod.

 Tayong lahat ang makikinabang sa malinis na kapaligaran kaya pagkakaisa ay tunay na kailangan!