Mga kababayan bago pa man magkaroon ng pandemya ay sinimulan na ng ating Punong Lungsod Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. ang mga proyekto upang maisakatuparan ang kaniyang minimithing maging Smart City ang ating Lungsod.

Sa unang proyekto na ito ay nakapaloob ang paglalatag ng mga 📌fiber optic cable na may habang 22 kilometro na gagamitin sa signal ng mga CCTV CAMERA at dadaluyan ng internet upang makapag bigay ng WIFI CONNECTION sa mga barangay na madaraanan ng proyekto at upang makumpleto na mabigyan ng WIFI o INTERNET CONNECTION ang buong lungsod at lahat ng paaralan. Kung kaya’t naglaan muli ng pondo ang ating Lungsod para sa 📌32 kilometrong fiber optic cable na kasama na ang mga antena at router ng bawat paaralan na pagmumulan ng WIFI CONNECTION ng bawat guro at mag aaral.

Patuloy at walang sawang tinututukan ng ating Punong Lungsod Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang mga proyektong ito upang magamit at mapakinabangan na ng ating mga minamahal na mamayan ng Lungsod Agham ng Muñoz.

Narito po ang dagdag kaalaman para sa mga proyektong ito:

https://facebook.com/story.php?story_fbid=3646158242066729&id=231949946820926

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan