GASOLINA! Pangunahing pangangailangan ng mga kababayan nating nagbabyahe araw araw para pumapasok sa kanikanilang mga trabaho o eskwela at upang makarating sa malalayong lugar na kanilang nais puntahan.

 Nitong Setyembre 28, 2022 ay binuskan na ang CLEANTECH GAS STATION sa Barangay Poblacion North sa tapat ng Bahamas Resort kaya ano pa ang hinihintay natin? Gas na po mga kababayan!

 Dumarami na po ang gasolinahan sa ating bayan kaya’t kahit saan man po lumingon ay may gasolinahang maasahan.

 Nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa lahat ng dumalo at nakiisa sa pagbubukas na ito. Nagpapasalamat din po kami sa mga ganitong establisyemento na nagbibigay ng magagandang serbisyo at oportunidad sa trabaho sa ating mga minamahal na mamamayan. Para sa ekonomiya ng lungsod, mabuhay po ang lahat!