Nagbigay galang po ang mga empleyado ng  Department of Environmental Science at Institute of Climate Change and Environmental Management  ng Central Luzon State University sa pangunguna ni Prof. Redel  L. Gutierrez, Pollution Officer sa ating MAYOR BABY ARMI L. ALVAREZ. Kasama sa pagbibigay galang sina Ms. Jessah Mae A. Florez, Project Assistant; Ms.Geli Rose L. Macanas, Project Assistant at Mr. Piolo P. Campano, Research Aide.

Kasama sa pagpupulong na  ginanap ngayong Setyembre 6, 2022 sina Engr. June M. Mico, CENRO, Coun. Vincent DV Alvarez at Coun. Jerry Fulgencio para talakayin ang paparating na aktibidad tungkol sa Information, Education and Communication (IEC) at Initial Perception Survey (IPS) na gaganapin sa unibersidad. Pinag- usapan din ang iskedyul ng nasabing aktibidad at ang kahalagahan nito sa pagkuha ng Environmental Compliance Certificate sa DENR-Environmental Management Bureau, Region 3.