Walang sawang nakikipagtulungan ang ating TITA MAYORA sa iba’t ibang ahensya at NGO/NGA upang makakalap ng mga proyekto o programa na siyang malaking tulong sa ating mahal na lungsod at mamamayan. Kaakibat nito ay ang walang hanggang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa mga programa at proyekto na ibinababa sa ating lungsod para sa mas ikakaunlad nito.

 Ikinalulugod po ng ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang pagbisita ng Central Luzon State University Extension Center sa pangunguna ni Ms. Eugenia G. Baltazar, University Extension Center Director, upang ibahagi ang BIDANI Program, Techno-Village Development Program at Automated Drip Irrigation kung saan malaki ang maitutulong sa ating mahal na lungsod at mga mamamayan nito.

Layunin ng BIDANI o Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement na bigyang karapatan ang mga namumunong lokal sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga integrated development program upang makamit ang mabuting pamamahala, pagpapagaan ng kahirapan, seguridad sa pagkain, pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon, at pangkalahatang kapakanan ng mamamayan.

Samantala ang Techno-Village Development program naman ay may limang bahagi ang Social Mobilization Phase,Techno Demonstration Phase,  Adoption-Replication Phase, Techno Enterprise Establishment Phase, at ang Sustainability Planning and Hand-over activities kung saan ang bawat bahagi ay nagnanais na mapabuti ang pangkalahatang kapakanan ng mamamayan, dagdagan ang seguridad at nutrisyon ng pagkain, mas mataas na kita sa bukid, mapahusay ang produktibo, mga proyektong techno-agro enterprise, at mapahusay ang kaalaman, saloobin, mga pinahahalagahan, kasanayan, at mga gawi sa pamamahala ng techno-agro enterprise.

Ang Automated Drip Irrigation naman ng MASHAV, Israel’s Agency for Internaitional Development Coopertive ay naglalayon na ihatid ang international na kalidad para sa mataas na halaga ng mga pananim.