Walang ibang hangad ang ating pamahalaan kundi ang ikakabuti ng ating mahal na lungsod. Serbisyong tapat at totoo ang handog para sa mamayan ng lungsod na ito.

 Ginanap ang Commission on Audit Entrance Conferenece nitong Oktubre 19, 2022 na siyang dinaluhan ng mga Department Heads ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang COA Auditors.

Layunin ng nasabing Commission on Audit Entrance Coference na mapanatili ang mabubuting gawain at maayos na pamamahala sa nakalaan na taunang budget ng ating mahal na lungsod.

Para sa mas maunlad na lungsod ay buong puso at walang sawang nagtutulungan ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI sa ating COA upang masiguro na ang pondo ng gobyerno ay nagagastos ng tama alinsunod sa mga umiiral na batas natin.