Sa panahon ng pandemya, naging mahirap man ang pakikipagsapalaran, ay natuklasan natin ang totoong diwa ng BAYANIHAN. Sa pagkukusa ng ilan nating kabataan, naisagawa na po ang COMMUNITY PANTRY para sa ating Lungsod Agham!

Hindi nagpadaig ang ating mga kabataan upang bigyang kulay ang nag-iisang layunin ng salitang “bayanihan”! Pagtibayin natin ang totoong kahulugan ng PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN. Huwag po nating hayaang dumaan lang ito sa ating timeline, kung kayo po ay may kakilala na lubos na nangangailangan o nais magdonate, bukas po ang ating pantry para sa lahat! Nagpapasalamat din po kami sa Local Youth Development Office at sa SK Federation ng SCM para sa inyong tulong at gabay sa pagbuo ng ating community pantry.

Sa ating mas malaking hamon na ito ay masigurong magtatagal para mas marami pa pong matulungan, huwag nating kalimutan na “MAGBIGAY AYON SA KAKAYAHAN, KUMUHA BATAY SA PANGANGAILANGAN”.

Muñozonians, kita-kits po!!!!!

READ: http://bit.ly/MunozCommunityPantry