Mga kababayan! Ang ating COMMUNITY PANTRY po ay nasa dalawang bagong lokasyon na:

Natividad Compound, likod ng Villa Nati Elementary School, Purok Sampaguita, Brgy. Villa Nati Gilid ng GT Oil Gas Station, Purok Curva, Brgy. Bantug

Sa lahat po ng taong patuloy na nagsasaayos at nagpapalago nito, maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Ang ating community pantry dito sa SCM ay mula sa bawat Muñozonian na naniniwala na ang kagutuman sa ating lungsod ay kaya nating wakasan. Sa ngayon po ay mayroon na tayong dalawang pantry na bukas, tayo po ay makiisa sa ating layuning makapaghatid ng saya sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan. Para po sa mga detalye, naririto po sa post ang mga impormasyon.

Tayo po ay magbigayan at magtulungan para sa isang SCM na nagkakaisa!

READ: https://cutt.ly/3vDaPXm