Sa atas ng ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay ginanap ang isang pagpupulong at oryentasyon ng dalawampung (20) contract tracers na nagmula sa Department of Interior and Local Government sa pangunguna ni Mr. Crismelito R. Catacutan, LGOO VI ng DILG kasama si Dr. Abigail P. Baret at ang mga miyembro ng City Contact Tracing Team at City Health Office ng Lungsod Agham ng Muñoz nitong Nobyembre 3, 2020.