Nagpakilala ang bagong Provincial Director ng Philippine National Police na si PCol Marvin Joe C. Saro kay Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ngayong araw, September 3, 2020 sa Mayor’s Conference Hall. Nagcourtesy call din ang bagong Pangulo ng Soroptimist International of the Philippines Region Science City of Muñoz Club na si Ms. Marites V. Santos at mga kasapi kay Mayor Alvarez.

Kasunod nga nito ang programang Rektang Bayanihan with a smiling Heart na siyang programa ng PNP, kung saan nagpamigay ng relief goods sa tatlumpung (30) pinakamahirap sa mahirap na matatagpuan sa mga barangay ng Pob. East at Pob. West, Science City of Muñoz sa pangunguna nina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., PCol Marvin Joe C. Saro, PLtCol Gerald T. Licyayo, DILG Crismelito R. Catacutan, City Administrator Dr. Raul Divina, ABC President Alexander Natividad, Mr. June Villoria (kapitan ng barangay Pob. East), Mr. Eric Santiago ( kapitan ng barangay ng Bantug) at ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Office.