Mga kababayan todo todo po ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang mga walang sawang tumutulong sa atin sa pagkamit ng ating pangarap na Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz (OsLAM).

 Walang sawang pakikipagtulungan at pagkakaisa ang patuloy na nananaig sa ating lungsod. Kaya nitong Nobyembre 28, 2022 ay naganap ang pagbisita o courtesy call ng mga doctor na magiging head ng Pathologist and Radiologist sa ating Oslam na sina Dr. Angel Reyes at Dr. Alberto Abad kasama sina Dr. Rommel Irabagon ng Technical Working Group at Dr. Miko Wong ng ating City Health Center.

 Tulong-tulong para sa pagkamit ng ating minimithing Ospital ng ating Lungsod.