Nagbigay galang po mga kababayan ang Cleantech Gas Station sa pangunguna ni Chris Ramoso, Executive Assistant ng Cleantech at ang WESLEYAN  UNIVERSITY PHILIPPINES sa pangunguna ni Ms. Cindy Gaston sa ating Lokal na Pamahalaan ng Sceince City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, nitong Setyembre 12, 2022.

 Kasama sa pangunahing paksa sa naganap na courtesy call sa pagitan ng Cleantech Gas Station at ng Lokal na Pamahalaan ang pag-imbita nila sa ating butihing Mayor sa kanilang Opening at Ribbon Cutting na magaganap sa Setyembre 28, 2022. Ano pang hinihintay nyo mga kababayan GAS NA! Gasolina! Mahalagang parte ng ating pang araw-araw na pangbyahe!

 Samantala, pangunahing paksa naman sa pagitan ng WESLEYAN UNIVERSITY PHILIPPINES at ng Lokal na Pamahalaan ang pag imbita nila sa ating butihing Mayor sa paglulunsad ng Wesleyan University Philippines (WUP) College of Medicine sa Setyembre 14, 2022.

 Inaasahan po ng pamahalaan ang patuloy na matibay at matagumpay na pagkakaisa!