Para sa kaalaman ng ating mga kababayan!

Isang malungkot na balita po para sa ating mga taga Science City of Munoz ang ating parating ngayong araw. Mayroon po tayong isang health care worker na kababayan na nagpositibo sa Covid19.

Nakuha po nya ito habang ginagampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin na pagbibigay ng atensyong medikal sa mga pasyente sa hospital sa Cabanatuan City na kaniyang pinagtatrabahuhan.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigpit na home quarantine ang pasyente at isolated na mula nung magpakuha ng Swab test, at sa ngayon ay sumasailalim sa ibayong pagmomonitor ng ating lokal na pamahalaan. Ang pasyente po ay asymptomatic o walang sintomas na nararamdaman kaya pinayuhan ng mag home quarantine.

Samantala, ang ating lokal na pamahalaan din ay nakikipagtulungan na sa hospital na pinagtatrabahuhan ng pasyente para sa contact tracing sa kanyang nakasalamuha.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling kalma ngunit mahigpit na sumunod sa minimum health standards. PAKIUSAP PO, HUWAG TAYONG LUMABAS NG ATING MGA TAHANAN KUNG HINDI PO MAHALAGA ANG DAHILAN.