Sa mga minamahal naming kababayan, ipinagpatuloy noong Marso 12,2021 ang pagsasagawa ng COVID-19 SALIVA TESTING, ito po ay isang pampublikong serbisyo na hatid sa atin ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na buong pusong pinaglilingkuran ng ating Punong Lungsod, Kgg. Nestor L. Alvarez, Ph.D., katuwang ang Philippine Red Cross- Nueva Ecija Chapter. Para rin po sa kaalaman ng lahat, humigit kumulang 800 sa ating mga manininda sa pamilihang bayan at food park, at mga traffic enforcer ang sumailalim sa saliva testing. Binisita rin ni G. Alex Shieldon ng Red Cross ang lokal na pamahalaan upang mas mapagtibay pa ang mga plano at hakbangin para sa paglaban sa COVID-19.

Nakikiusap po kami para sa inyong pakikiisa upang mabilisang malutas ang ating mga suliranin. Huwag po tayong panghinaan ng loob, buong pusong pagmamalasakit at seguridad ang sisiguraduhin naming maihatid sa bawat pamilya at tahanan dito Science City of Muñoz.

#SerbisyongHandog
#TatakALVAREZ
#ALagangAlvarez