Narito ang update sa mga kaso ng COVID19 sa ating Lungsod.

Ngayong araw po ay nakapagtala ng anim (6) new confirmed cases habang isa (1) ang recovered case sa ating Lungsod.

Sa kasalukuyan ay 35 po ang ating active cases mula sa kabuuan na 125 na total number ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod. Salamat po sa Diyos at wala tayong death cases dahil sa covid.

Pakiusap po, kung tayo ay may nararamdaman o inaakalang may sintomas at may nakahalobilong nagpositibo ay magsimula na tayong mag-isolate ng ating mga sarili at agad na makipag-ugnayan sa ating BHERT o pinuno ng inyong mga ahensya upang mas mapabilis ang contact tracing at maiwasan ang paglala ng local transmission ng virus.

Atin pong ipagdasal ang agarang paggaling ng ating mga kababayan at tayo po ay sumunod sa mga alituntunin at paalala ng ating pamahalaang lokal alinsunod sa paglaban natin sa paglaganap ng sakit na COVID19.