Inanunsiyo kagabi ng DOH-Nueva Ecija sa NE Inter-Agency Task Force COVID-19 sa pamumuno ni Governor Aurelio M. Umali na umabot na sa 40 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan. Naitala na 10 ang bagong bilang na nagpositibo sa Covid-19 kung saan 6 dito ay frontliners.

Bagama’t ang ating lungsod ay walang naitalang kaso ay hinihiling parin ang lahat na mas paigtingin ang pag-iingat at pagsunod sa strict enhanced community quarantine.



Nilinaw ng DOH-Nueva Ecja na si patient #35, isang 44 years old na babae, na kabilang sa 10 mga nadagdag na positibo sa COVID-19 ay mula sa barangay Sapang, Jaen at hindi sa Alua, San Isidro.

Humihingi ng paumanhin at pang-unawa sa publiko ang DOH-NE sa kanilang naunang maling anunsiyo kagabi 11:00 pm April 13, 2020.