Mga kababayan, bukod sa balita po na mayroon tayong anim (6) na bagong kaso, napakabigat sa aming kalooban na ipaalam na 2 dito na ating mga kababayan ay sumakabilang-buhay dahil sa sakit na Covid-19.

Ang ating panalangin at taus-pusong pakikiramay sa mga pamilya nila Patient No. 145 at Patient No. 146.

Sa datos na naireport ngayong araw ng ating CESU ay mayroon tayong:

3 recovered cases
6 new cases
2 death cases
33 active cases
150 total confirmed cases

Karamihan din po sa mga nagpopositibo ngayon ay may mga sintomas. Kaya naman po, paulit ulit na paalala ng pag-iingat ang aming hiling.