Mabigat po sa loob naming ibinabalita sa ating lahat na ngayong araw ay labing tatlo (13) ang bagong naitala na kaso ng Covid19 sa ating lungsod, at nakakalungkot po lalo na isa (1) dito ay sumakabilang buhay na. (Patient No. 187)

Ang taus-pusong pakikiramay po sa pamilya ng ating pumanaw na kababayan. Hindi natin alam ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay lalo ngayong panahon ng pandemya kung kaya’t mahalaga ang sama sama nating mga dalangin sa kagalingan ng mga maysakit at pakikiramay sa mga naulila.

13 new cases
4 new recovered cases
1 new death case (P-187)
39 active cases
7 death cases
146 total recovered cases
192 total confirmed cases

Pakiusap po, mga minors at mga seniors, stay home po tayo, at tayo pong mga lumalabas ay doble ingat!

Makakaya natin ito basta tulong-tulong at sama sama!

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).