Patuloy po tayong manalangin sa tuluyang pagkawala ng Covid-19 gayundin ang ating patuloy na pagsunod sa Enhanced Community Quarantine.


Isa na namang magandang balita ang nais ipaabot ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force COVID-19 sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali.
As of today April 4, 2020, 122 sa 157 Persons Under Investigation ang negative ang result sa swab test for COVID-19.
Una rito, kagabi April 3, 2020 inanunsiyo nina Governor Oyie Umali at Fr. Arnold Abelardo na 108 ang nag negatibo habang 24 ang naghihintay ng resulta.
Ngayong araw lumabas ang resulta ng test ng 24 na PUIs kung saan 14 sa mga ito ang negative sa COVID-19 kaya umabot na ito sa total na 122.
Nilinaw ni Fr. Abelardo na kahit pinauwi na sa kanilang mga pamilya ang naunang 108 na nag negatibo ang resulta ay nasa ilalim pa rin ang mga Ito sa strict home quarantine.
Patuloy na pag-aalay ng panalangin ang hiling ng Task Force sa ating mga kapwa Novo Ecijano para sa mas marami pang magandang balita.