Mayroon po tayong walong (8) recoveries na naitala ngayong araw, ngunit may lima (5) na naman pong bagong kaso.

Umakyat na sa 111 ang bilang ng nagkacovid sa ating lungsod at 27 dito ang active cases.

Patuloy po ang ginagawang contact tracing sa mga nagpositibo nating mga kababayan at dumami ang kailangang sumunod sa quarantine protocols, ayon po yan sa ating City Epidemiology Surveillance Unit (CESU). Dahilan din po ito para sa pagpapatupad ng skeleton workforce sa ating Local Government Unit.

Pakiusap po namin, sundin natin ang mga safety measures and protocols. Disiplina po muna higit ano pa man.