As of July 6, 2020, 3:30 PM! Wala parin pong naitala na kaso ng Covid19 sa Science City of Munoz! Ito ay ayon po sa datos mula sa ating City Health Office (CHO).

Sa kabila nito, mayroon po tayong naitala na isang (1) kaso ng PUI under Suspected Category na pumanaw. Siya po ay 52 na taong gulang na nadiagnosed na may Community Acquired Pneumonia (CAP), acute gastroenteritis with mild symptoms at may hypertension.

Samantala, malaki po ang pagtaas sa bilang ng ating PUMs dahilan sa mga locally stranded individuals o LSIs, mga OFWs na bumabalik sa ating lungsod, at mga nagbibiyahe mula sa mga lugar na may naitalang kaso ng Covid19. Kung kaya’t pakiusap po natin hangga’t maaari ay “stay where you are” po muna tayo. Konting tiis pa po mga kababayan.

Maraming salamat po! God bless us all!

*Upang maiwasan ang kalituhan ay iwasan po nating maniwala sa mga kumakalat na balita