WALA po tayong reported na positive case ngayong araw at may mataas na bilang ang recoveries. Sana po ay magtuloy tuloy ito pero wag tayo pakampante bagkus ay lalong mag-ingat at maging alerto.

0 new active case
20 new recovered cases
78 active cases
20 death cases
399 total recovered cases
497 total confirmed cases

Mga kababayan, may mga batas po tayo at maigting na alituntunin sa safety protocols. Kailangan natin magtulong tulong na sundin ito. Hamak dami natin kumpara sa mga nagpapatupad nito. Magsimula po tayo sa ating mga sarili. At sa mga awtoridad ay maghigpit tayong lahat at tayo po ang maging huwaran!

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).