Para sa kaalaman nating lahat, narito po ang Covid-19 reported cases kada barangay as of June 3, 2021 mula sa ating CESU. Ito po ay HINDI upang magkaroon ng diskriminasyon bangkus ay upang mas mapaigting ang ating pagsunod sa safety protocols at para sa mga pamunuan ng mga barangay para sa mga karampatang aksyon at serbisyo.

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 5:00 pm).


Nadagdagan ng 3 new positive cases muli sa ating lungsod. Samantala patuloy parin po ang ating mass testing sa mga direct at closed contacts ng ating mga nagpositibong mga kababayan.

3 new active cases (Patient No. 516-518)
0 new recovered case
0 new death case
75 active cases
22 death cases
421 total recovered cases
518 total confirmed cases

Mga kababayan, may mga batas po tayo at maigting na alituntunin sa safety protocols. Kailangan natin magtulong tulong na sundin ito. Hamak dami natin kumpara sa mga nagpapatupad nito. Magsimula po tayo sa ating mga sarili. At sa mga awtoridad ay maghigpit po tayo at nawa’y manguna at maging huwaran!

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).