Mga kababayan, may 20 na bagong mga positive cases po tayong naitala ngayong araw. Ito po ay mga resulta ng testing na ating isinasagawa. Tatlo po dito ay ngayon lang po natin natanggap ang report. At nakakalungkot po na may 2 kababayan tayo na pumanaw dahil sa Covid-19, sina Patient No. 536 at Patient No. 554 na parehong taga Brgy. Bantug. Ipinapaabot po natin ang ating panalangin at pakikiramay sa naulila ng ating mga kababayan.

20 new active cases (Patient No. 535-554)
8 new recovered cases
2 new death cases
68 active cases
24 death cases
462 total recovered cases
554 total confirmed cases

Mga kababayan, may mga batas po tayo at maigting na alituntunin sa safety protocols. Kailangan natin magtulong tulong na sundin ito. Hamak dami natin kumpara sa mga nagpapatupad nito. Magsimula po tayo sa ating mga sarili. At sa mga awtoridad ay maghigpit tayong lahat at tayonpo ang maging huwaran!

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).