Umabot na po sa 212 ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid19 sa ating lungsod. Pito (7) po ang bagong reported na positive ngayong

araw at isa (1) ang ating recovered case.

7 new cases
1 new recovered case
52 active cases
7 death cases
153 total recovered cases
212 total confirmed cases

❗️Isang PAUNAWA at PAGLILINAW din po, si Patient No. 205 na reported kagabi ay mula sa Brgy. Bantug at hndi po Brgy. Curva. Nagkaroon po ng kalituhan sa kanyang address na Purok Curva at hndi po Brgy. Curva.

❗️Atin pong ipinapaalam sa kaalaman ng lahat na ang talaan ng covid cases na nairereport dito sa ating page ay ang mga bilang na nairereport sa ating CESU. Kung may alam po kayong mga kaso na nagpositibo sa Covid19 at napatunayan na hindi naireport o sinadyang hindi ireport, pakiusap po na magsabi kayo o makipag-ugnayan agad sa inyong BHERTS.

Pakiusap po, mga minors at mga seniors, stay home po tayo, at tayo pong mga lumalabas ay doble ingat!

Makakaya natin ito basta tulong-tulong at sama sama!

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).