Nakakalungkot po na sa dalawang (2) reported cases natin ay isa po ang pumanaw dahil nga po sa Covid-19 (ang ating pakikiramay po sa pamilya ni patient no. 289 mula sa Brgy. Bantug).

Lubha pong nakakabahala ang mga pangyayari , lahat po sana ay makipagtulangan at makiisa sa ating mga protocols. Lahat tayo ay maaaring tamaan ng virus. Exposed napo ang ating mga frontliners, araw araw ay padami ng padami ang nagpupunta upang magpatest. Mas mainam po siguro na manatili nalang tayo sa ating mga bahay upang makaiwas sa posibleng pagkaroon ng Covid19.

1 new active case(Patient No. 288)
1 new death (patient no. 289)
10 new recovered cases
90 active cases
8 death cases
191 total recovered cases
289 total confirmed cases

Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).