Nakakalungkot po na sa tatlo (3) na covid positive reported cases ngayon ay 2 po dito ay pumanaw po. Ang ating taus pusong panalangin at pakikiramay po sa pamilya nila patient no. 290 mula Brgy. Rang-ayan  at 292 mula sa Brgy. Calabalabaan.

1 new active case (Patient 291)
2 new deaths (patients no. 290 at 292)
10 new recovered cases
81 active cases
10 death cases
201 total recovered cases
292 total confirmed cases

Sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).