Mga kababayan, nasa 111 na po ang ating total active cases! Tatlumpo’t anim (36) ang ating naitala na new active Covid-19 positive cases ngayong araw na bunsod na din ng ating mga isinasagawang mass swab testing para sa karampatang aksyon, kaligtasan at kapanatagan ng loob ng mga nagpositibo at direct contacts ng mga ito.

Malungkot na balita din po na si Patient No. 291 mula sa Brgy. Calisitan na naireport kahapon ay binawian ng buhay kagabi dahil sa Covid-19.  Ang ating taus pusong panalangin at pakikiramay po sa buong pamilya.

36 new active cases (Patient 293 to 328)
1 new death (patient no. 291)
5 new recovered cases
111 active cases
11 death cases
206 total recovered cases
328  total confirmed cases

Sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).